Friday, March 26, 2010

Sanggunian:

Krishnamurthy Sriramesh.Public Relations in Asia: An Anthology: Cengage Learning Asia,2003

Krishnamurthy Sriramesh, Dejan Vericic.The Global Public Relations: Theory, Research, and Practice:Lawrence Erlbaum Associates, Inc.,2003

Balisacan A., Hall H. The Philippine Economy: Development, Policies, and Challenges Book Description. Oxford University Press, USA, 2003


Thomas Robinson. Democracy And Development In East Asia: Taiwan, South Korea, And The Philippines. AEI Press, 1999.


Daivid Kand. Crony Capitalism: Corruption and Development in South Korea and the Philippines (Cambridge Studies in Comparative Politics). Cambridge University Press,2002.


Jose Sison, Julieta de Lima.Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas.Aklat ng Bayan(Manila).2003

Kongklusyon:

Napag-alamanan ng pananaliksik na ito na ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa Korean trend ay nakakaapekto sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang mga Pilipino ay likas na mabilis maimpluwensyahan at mahilig makisunod sa uso kaya ang pagdating ng Korean Trend sa Pilipinas ay mabilis tinangkilik ng mga Pilipino. Ang bansang Korea, bagamat maliit lamang na bansa ay hindi naman nagpapahuli pagdating sa galing nila sa pagbuo ng bagong kagamitan mapasa anumang larangan ito. Marami ng mga establishamento sa Pilipinas na nagpapakilala sa Kultura ng Korea gaya ng mga Korean restaurant na pumatok sa panlasa ng karamihan sa mga Pilipino. Pati ang pananamit ng mga Koreano ay naibigan din ng ibang Pilipino at pilit nila itong ginagaya kaya dumadami na din ang mga Korean Surplus sa bansa na nagtitinda ng mga produkto ng Korea sa murang halaga. Ang Korean hairstyle ay dinala na din ng mga Koreano sa Pilipinas kaya may mga pagupitan na purong hairstyle lamang ng mga Koreano ang gupit na pumatok naman lalo na sa mga kabataan. Ang Pilipinas ay isang tropikal na bansa kaya marami itong mga resort, ngunit hindi nagpatalo ang Korea. Nagtayo din sila ng resort sa Pilipinas na halintulad sa mga resort sa Korea na tinangkilik din ng mga Pilipino. Napatunayan ng pananaliksik na ito na sa labis na pagtangkilik ng mga Pilipino sa Korean Trend kaysa sa sarili nilang produkto ay napataas nito ang ekonomiya ng Pilipinas.Ngunit, dahil sa sobrang pagtangkilik ng mga Pilipino sa “Korean trend” unti-unti din nitong sinisira ang industriya ng Pilipinas.

Interpretasyon ng mga Nakalap na Datos:

Ayon sa mga nakalap na datos, ang mga Pilipinong tumatangkilik sa “Korean trend” ay naglalaan ng sapat na pera upang bumili ng mga gamit at iba pang mga bagay na may kinalaman sa Korea. Ang nagging interpretasyon ng mga mananaliksik ukol sa nakalap na datos, ay nakakapagpataas ito ng ekonomiya ng Pilipinas sapagkat dito sila nagtatayo ng ilang mga negosyo kung kaya’t dito sila nagbabayad ng buwis na napupunta sa gobyerno ng Pilipinas. Samantala, Ito nga ay nakakapagpataas ng ekonomiya ngunit ito naman ay uni-unting sumisira ng industriya ng Pilipinas.

Presentasyon ng mga Datos:

Napag-alaman ng mga mananaliksik na 15/30 na respondente ang nagsabing “K-pop” ang pinakakinahihiligan nila. Ayon kina James Adriano, Jay Larin, Joy Garcia at Blair Bordoc, mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas at Unbiersidad ng Santo Tomas na matalik na kaibigan ng mga mananaliksik “K-pop” ang dahilan kung bakit nakilala at tinangkilik ang Korea sa Pilipinas. 5/30 na respondente naman ang nagsabing “K-drama” ang pinakakinahihiligan nila. Ayon kina Jhoanne Mariano, Larce Padilla at Chelsi Tan, simula nang pinalabas ang “Princess Hours” sa telebisyon ay sunud-sunod na ang pagtatangkilik ng mga Pilipino sa “Korean trends.” 4/30 naman na respondente ang nagsabing “Korean foods” ang kinahihiligan nila. Ayon kina Leonila Yee at Iman Frondozo ay napapabili sila ng pagkaing Koreano dahil sa kanilang “Curiosity” at masarap daw talaga ang kanilang pagkain, bago sa panlasa ika nga. 6/30 naman na respondente ang nagsabing “K-Fashion” ang kanilang kinahihiligan. Ayon kina Jeremiah Legaspi, Katrina Pena at Princess Bagunas, napaka “stylish” ng mga damit ng Koreano kaya’t kinahihiligan nila ito.






Napag-alaman ng mga mananaliksik na 12/30 na respondente ang naglalaan ng 100 php – 500 php kada buwan. Ayon kay Leonila Yee, iginagastos niya ito sa pagbili ng “Korean foods” tulad ng cup noodles, tsitsirya at kung anu-ano pa na binibili niya sa isang “Korean grocery store.” 10/30 na respondente naman ang naglalaan ng 500php-1000 php. Ayon kina Kristine Magbojas, Hanna Bernardo at Charmaine Placido, iginagastos nila ito sa pagbili ng mga damit at album ng mga sikat na Koreano sa Pilipinas tulad ni Bi Rain, Lee Hongki, DBSK at Super Junior. 8/30 na respondente naman ang naglalaan ng higit sa 1000 php. Ayon kina Jay Larin, Ramona Arcilla at Jeremiah Legaspi, ginagamit nila ito para sa pagbili ng tiket sa mga konsyerto ng mga Koreano. Isang halimbawa na lang dito ay ang nalalapit na konsyerto ng Super Junior sa Pilipinas. Ginagamit din nila ito sa pagpapagupit sa “Tony and Jackey.”

Introduksyon sa Paksa:

Talagang parami na nang parami ang naiimpluwensyahan ng tinatawag na “Korean Trend” dito sa bansa. Kung kaya’t ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang alamin ang mga dahilan kung bakit nauso ito at naimpluwensyahan ang mga Pilipino, lalung-lalo na ang mga kabataan. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring matukoy ang epekto nito sa ekonomiya at industriya ng bansa.

Makakapagbigay-kaalaman din ang pananaliksik na ito sa mga Pilipinong negosyante na gustong malaman kung ano nga bang meron sa “Korean Trend” at mabentang-mabenta ito sa mga tao at para na rin sa iba pang mga karagdagang impormasyon. Ayon kay Margie Quimpo-Espino (Philippine Daily Inquirer), isa sa mga dahilan ng pagkauso ng “Korean Trend” ay noong pinalabas ang mga “Koreanovela” na patok na patok sa mga Pilipino, doon nagsimula ang pagkahumaling ng mga Pinoy lalung-lalo na ang mga kabataan sa mga Koreano. At dahil dito, lahat ng bagay na galing Korea o gawang Korea ay tinatangkilik ng mga Pilipino. Mapa-restaurant man, mapa-make-up o mapa-damit ay pinagkakagastusan nila. Ayon nga sa isinulat na artikulo ni G. Roger Cerda, isang propesor sa asignaturang Ingles sa Unibersidad ng Santo Tomas, na pinamagatang “A Modern Portrait Of Juan Dela Cruz”, ang mga Pilipino ay “trying hard copycats”. Siguro, isa iyon sa mga dahilan kung bakit patok na patok ang “Korean Trend” dito sa Pilipinas. Dahil mahilig manggaya ang mga Pilipino, kung ano man ang makita ng mga Pilipino na uso, ay iyon ang gagayahin nila. Kulang na lang ay maging Koreano na rin sila.

Bagama’t limitado ang mga datos na nakalap sa mga mag-aaral sa unang taon ng Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Komersiyo, maaaring sabihin na naangkop pa rin ito sa iba’t ibang uri ng mga mag-aaral sapagkat halos lahat ay

naimpluwensyahan na ng tinatawag na “Korean Trend” na maaaring hatiin sa tatlong aspeto: sa pisikal na kaanyuan, sa pag-iisip at sa pagiging nasyonalismo.

Daloy ng Pag-aaral:

Ang unang bahagi ng pag-aaral na ito ay tungkol sa kasaysayan ng Korea at ang relasyon nito sa Pilipinas mula noon hanggang sa kasalukuyan. Ipinakita din dito ang iba’t ibang paraan ng pagtatangkilik ng ilang mga Pilipino sa “Korean trend”. Gumamit ang mga mananaliksik ng internet, libro at interbyu bilang sanggunian.
Ang sumunod ng bahagi ay tungkol sa pagpapatunay ng epekto ng impluwensya ng mga Koreano sa mga Pilipino.

Saklaw at Delimitasyon:

Dahil sa limitadong oras, malawakang kaalaman at pagbabadyet sa pinansyal na pangangailangan, ang pananaliksik na ito ay naglilimita ng partisipasyon ng mga respondent. Ibabase ng mga mananaliksik ang pagdedesisyon sa mga sagot ng respondeng makakapanayam. Dahil na rin sa limitadong oras minabuti ng mga mananaliksik na ng mga respondent na may bilang na 30 tao. Ang mga iyo ay matatalik na kaibigan ng mga mananaliksik sapagkat alam ng mga mananaliksik na ang mga taong ito ay walang sawa at naglalan ng pera sa pagtatangkilik sa “Korean trend” sa loob at labas unibersidad. Ang kanilang mga edad ay nagsisimula sa 15 hanggang 26. Ang ilan sa kanila ay may trabaho at mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Unibersidad ng Santo Tomas, De La Salle University. Ang mga mananaliksik ay babatay lamang sa mga sanggunian sa internet at mga libro sa kalakhang Maynila

Metodolohiya:

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng paraan ng pakikipagpanayam upang maisagawa ang pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay pumili ng tatlumpung respondente na kakapanayamin sa loob at labas ng unibersidad. Ang mga ito ay matatalik na kaibigan ng mga mananaliksik. Sila ay sina Alyssa Cabardo, Chris Mendoza, Charmaine Placido, Hanna Isidro, Jinelle Callado, Princess Bagunas, Blair Bondoc, Leonila Yee, Jhoanne Mariano, Marian Mariano, Katrina Queyquep, Katrina Pena, Katherine Cruz, Chelsi Tan, Joy Garcia, Kristine Magbojas, Christine Fernandez, Hanna Bernardo, Terry Buday, Clarisse Arabit, Kennedy Ortega, Ramona Arcilla, Cedric Vergel, Larce Padilla, Isaac Pagado, Joaquin Larin, Jeremiah Legaspi, Chard Serapio, Iman Frondozo at James Adriano. Napili ang mga respondenteng kakapanayamin dahil sa kanilang walang sawang pagtatangkilik sa “trend” ng Korea ayon sa kanila. Tinanong ng mga mananaliksik ang mga respondente kung anu-ano ang dahilan ng kanilang pagtatangkilik at Magkano ang nilalaang pera sa tinatangkilik na“Korean trend.”

Kahalagahan ng Pag-aaral:

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang maihatid ang mga impormasyon na pawang katotohanan lamang sa makakabasa nito. Walang dinaragdagang mga impormasyon at walang pinapanigan. Makikinabang dito ang ating gobyerno hinggil sa mga nag-uusbungan na Korean establishments. Dahil sa ganoong dahilan, magkakaroon ng awareness ang gobyerno patungkol sa nagiging epekto nito sa ekonomiya. Isa rin sa mga makikinabang ay ang mga Koreano sapagkat sila ang nakikinabang sa mga kinikita ng kanilang produkto. Maaari silang magkaroon pa ng mga investments dito sa bansa sa kadahilanang mataas ang nakukuha nilang kita. Maaari rin makinabang ang mga Pilipino dito dahil kapag nalaman nila na ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa Korean trend ay nakakapagpabagsak ng ekonomiya ng bansa, ay maaari silang mag negosyo na ipantatapat sa Korean trends. Kapag napatunayan sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik na ang paglaki ng populasyon ng mga Koreano dito sa Pilipinas ay nakakapag-ambag sa ekonomiya ng bansa, ay ilalahad ito ng mga mananaliksik kahit na salungat ito sa panukala na ito’y nakakapagpababa ng ekonomiya ng bansa. Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa upang alamin kung aling mga bagay ang nakakatulong sa pagpapataas ng ekonomiya ng bansa. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring makahanap ng mga impormasyon, pati na rin malinawagan ang mga tao hinggil sa tunay na epekto ng mga Koreano sa bansa, lalo na sa ekonomiya

Rebyu o Pag-aaral:

Krishnamurthy Sriramesh.Public Relations in Asia: An Anthology: Cengage Learning Asia,2003

Ang librong ito ay tungkol sa pampublikong relasyon ng sampung bansa sa Asya. Kabilang na dito ang Pilipinas. Itinatalakay dito ang sosyo ekonomikong pagtutulungan ng iba’t ibang bansa at kanilang iba’t ibang stratehiya ng pagpapaunlad ng kanilang ekonomiya. Sa librong ito ikinukumpara ang iba’t ibang pamamaraan ng pagpapaunlad ng ekonomiya ng sariling bansa.



Thomas Robinson. Democracy And Development In East Asia: Taiwan, South Korea, And The Philippines. AEI Press, 1999.

Sa librong ito itinatalakay ang pagkakapareho at pagkaiba-iba ng sistemang pang-ekonomiya ng tatlong bansa sa Asya. Kasama na dito ang Timog Korea at Pilipinas. Isa na dito ang pagbabago ng sistema na mula sa “authoritarian” patungong demokrasyang pamamalakad ng sosyo-politikong pamamaraan.



Jose Sison, Julieta de Lima.Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas.Aklat ng Bayan(Manila).2003

Inilalahad sa mga artikulo sa aklat na ito ang mapaglinaw na pagsusuri sa lipunan at rebolusyong Pilipino. Dahil sa laganap at palalim na krisis na dulot ng neoliberal na mga patakarang deregulasyon, liberalisasyon at privatisasyon – tampok ang kasalukuyang krisis sa pinansiya at ekonomya – at sa nagpapanibagong siglang mga pakikibakang bayan para labanan ang mga ito, nagiging higit na interesante ang nilalaman ng aklat na ito.

Layunin ng Pag-aaral:

Sa pananaliksik na ito’y naglalayong makatulong o makapagbigay kontribusyon sa:

• Pagbibigay ng kaalaman tungkol sa kasaysayan ng relasyon ng bansang Korea at Pilipinas.
• Paglalahad sa maaaring maidulot ng impluwensyang Koreano sa ekonomiya at industriya ng bansang Pilipinas.
• Pagtukoy kung paano nagsimula ang impluwensyang Koreano mula sa pisikal na kaanyuan hanggang sa pag-iisip.
• Pagtukoy kung alin sa produktong Korea at produktong Pilipinas ang ang mas tinatangkilik ng mga Pilipino ngayon at ang mga dahilan ng base sa resultang makukuha.

Paglalahad ng mga Suliranin:

• Kailan nagsimula ang pagimpluwensya ng mga Koreano sa Pilipinas maging sa pisikal na aspeto at hanggang sa pag-iisip.
• Bakit ang ilan sa mga Pilipino ay tumatangkilik sa “Korean trend”?
• Saan napupunta ang mga perang pinaglalaanan ng mga Pilipinong tumatangkilik sa “ Korean trend”?
• Anong naidudulot ng pagtangkilik ng ilang Pilipino sa “Korean trend” sa ekonomiya ng bansa?
• Ito ba ay nakakapagpataas o nakakapagpababa ng ekonomiya ng Pilipinas?


Ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa Korean trend ay nakakapagpabagsak ng ekonomiya ng bansa. Ito ang paksang napili ng mga mananaliksik sapagkat sa kasalukuyan, kapansin-pansin ang pagimpluwensya ng mga Koreano sa mga Pilipino, lalo na sa mga kabataan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagpapatayo ng ilang mga imprastraktura, at pagpapalabas ng kanilang pelikula na “tinagalized”.

Introduksyon:

Unang dumating ang mga Koreano sa Pilipinas pagkatapos ng ikalawang digmaang Pandaigdig upang maghanap ng mas mabuting ikabubuhay nila (Wikipilipinas, 2007).

Ang trend ng mga South Korean na mag-aral sa Pilipinas ay nagsimula noong 1960’s. Noon, ang South Korea ay isa pa lamang sa mga mahihirap na bansa at ang Pilipinas naman ay pangalawa sa mauunlad na bansa sa Asya sumunod sa Japan (Wikipedia, 2009).

Ayon sa mga iskolar, nagsimula ang operasyon ng mga Koreanong kumpanya dito sa Pilipinas noong 1980’s. Sa dekada ring ito nagsimula ang tinatawag na Korean wave. Ito ay ang pagtaas ng bilang ng mga turista at imigranteng Koreano sa bansa, maging ang popularidad ng mga Koreanong palabas at musika. Ito ang nagdulot ng migrasyon sa Pilipinas ng mga Koreanong nagmamay-ari ng mga pagawaan at ng kanilang mga tauhan. Noong 1990’s, nahigitan pa ng mga Koreano ang mga Hapon sa bilang ng mga bumibisita sa Pilipinas (Meinardus, 2005).

Noong 2006, ang mga Koreano pa rin ang nangunguna sa bilang ng mga bumisita sa Pilipinas at pagdating na rin sa kanilang mga foreign investments. Mahigit na 570,000 na mga Koreano ang bumisita sa Pilipinas noong 2008 at nahigitan pa ang Amerika na may mga overseas na manggagawa at residente. Sa ngayon, 42 flights mula sa South Korea ang dumarating sa Pilipinas kada linggo. Ang mga paboritong destinasyon ng mga Koreano dito sa Pilipinas ay ang Maynila, Baguio, Cebu, Davao, Dumaguete at Boracay (Palatino, 2007; Dela Cruz, 2007; Wikipilipinas, 2007).

Ang ilan sa mga Koreano ay pumupunta sa Pilipinas upang magtayo ng negosyo. Marami nang makikitang mga Koreanong kainan, grocery stores, beauty parlors, hotels, resorts, at bars. Ang mga ito ay makikita sa maraming bahagi ng Pilipinas, mula Luzon hanggang Mindanao. (Wilson, 2008)

Ang Pilipinas ay isa na rin sa mga pinakatanyag na lugar para sa mga Koreanong magreretiro. Gusto nila dito dahil mainit ang panahon buong taon at mura ang mga golf courses at apartments (Wilson, 2008).

Title:

PAGTANGKILIK NG MGA PILIPINO SA KOREAN TREND NA NAKAKAPAGPABAGSAK NG EKONOMIYA NG BANSA

Isang Papel Na Pananaliksik ang

Ipinapasa sa

Kagawaran ng mga Wika

Unibersidad ng Santo Tomas-Kolehiyo ng Komersyo

Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso na

Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ika-2 Semestre, TA: 2009-2010

Panukalang pahayag: Ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa Korean trend ay nakakapagpabagsak ng ekonomiya ng bansa

Ipinasa nina:

Kimberly Ofrecio

Anna Michaela Idio

Ralph Reizon Santisteban

Ruey Daylenn Inoc

Kayemar Lopez

Larra Monica Ventura

ICMID